Angel, nagsalita ukol sa 'PGT' sexy performance

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2018 08:37 PM | Updated as of Mar 07 2018 08:51 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagpahayag ng saloobin ang 'Pilipinas Got Talent' judge na si Angel Locsin sa naging pahayag niya sa performance ng all-girl sexy group na "Playgirls."

Sa pagbabalik mula sa kaniyang bakasyon sa Japan kasama ang nobyo na si Neil Arce, agad hinarap ni Locsin ang deliberation process kasama ang mga kapwa celebrity judge para sa reality talent search. 

Dito ipinaliwanag ni Locsin ang pagpapalitan nila ng opinyon ni Robin Padilla sa sexy production number ng grupong "Playgirls." 

Nag-'no' si Locsin sa performance ng nasabing grupo.

"May kaniya-kaniya naman tayong utak eh, at karapatan natin magsalita kung anong gusto natin," ani Locsin.

"Mahal na mahal ko kapwa judges ko, mahalaga kami sa isa't-isa, hindi kami nagbabastusan, pero siguro, siniseryoso lang namin itong ginagawa talaga," aniya. 

Naglabas naman ng kanilang saloobin sa social media ang mga miyembro ng grupo.

 

Gamit din ang kanyang social media account, sinagot ni Locsin ang isyu ng "slut shaming."


 
Pinuri naman ng grupong Gabriela ang aktres dahil sa paggamit ng kaniyang popularidad para maiangat ang estado ng kababaihan. 

Sa huli, hangad ni Locsin na matapos na ang usapin dahil kailangan daw magtulungan ang mga kababaihan para maging mas matatag bilang mga Pilipina.


    --Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.