MMFF 2018 pinaghahandaan na

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 11:50 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sinimulan na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee ang pagbubuo sa 2018 MMFF.

Dito napag-usapan ang mga mahahalagang petsa ng deadlines para sa movie producers at writers na interesado mag-submit ng kanilang mga pelikula at screenplay.

Eksaktong alas-5 ng hapon ng Marso 31, 2018 ang deadline ng pagsumite ng letter of intent ng mga nais mag-submit ng pelikula as entries.

Eksaktong alas-5 ng hapon ng Mayo 21, 2018 naman ang deadline ng submission of scripts at iba pang required documents.

Hunyo 4 hanggang 10 ang deliberation ng selection committee at Hunyo 15 ang announcement ng apat na official script entries.

Ang lungsod of ParaƱaque ang magiging host ng film festival at dito rin gaganapin ang traditional MMFF parade of stars na magaganap sa Disyembre 23.

Sa awards ceremony, muling magkakaroon ng award ang Audience Choice at Children’s Choice mula sa walong official entries.

Inaasahan na mas magiging makulay at masigla ang taunang pista ng pelikula ngayong taon dahil nanumbalik ang malaking audience sa panonood ng pelikulang sariling atin. -- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News