Ogie, Michelle nagkaiyakan dahil sa anak na si Leila

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2017 02:22 PM

MANILA -- Hindi napigilan ng dating beauty queen na si Michelle van Eimeren na maluha nang aminin ang pangungulila sa anak niyang si Leila na nasa bansa ngayon para subukan ang show business.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes kung saan bumisita si Leila kasama ang amang si Ogie Alcasid, inamin ni Michelle na nasa Australia, na maliban sa mukha ng kanyang anak ay miss na niya ang kanilang lambingan at biruan.

"Miss ko little face niya and her crazy dancing and when she would joke with me. Tapos miss ko na 'yung mga kwento natin," ani Michelle na ipinagmalaki ang anak sa pagsisikap nito para sa karera lalo't ang pagtitiyaga nitong mag-aral ng Tagalog. 

"You will be able to pick up the Tagalog. You will be able to do everything that you wanted to do. Very proud of you my darling," dagdag ni Michelle na patuloy sa pagluha.

Nagpasalamat naman si Leila sa naging suporta ng ina sa kanyang desisyon na magtungo sa Pilipinas at makasama ang ama.

"Thank you for supporting me even it meant that I won't see you every day. Thank you for pushing me to do my best and always believing in me and never doubting that I was good enough. You were on my side the day I was born and you've never left me so thank you, thank you," ani Leila.

Dahil sa bugso ng damdamin ay 'di na din napigil pa ni Ogie ang maiyak nang sabihin niya kay Michelle na maganda ang ginagawa ni Leila sa bansa.
 
"You know what Chelle, Leila, you will be proud of her because I can't believe she turned out to be so great. Thank you, Chelle," ani Ogie.

Nagpasalamat din muli si Ogie dahil sa naging pag-aalaga ni Michelle at asawa nitong si Mark sa kanilang mga anak. 

"I just want to thank you. I wasn't there many times, you and Mark especially just took care of this girl and she just turned out to be a wonderful person because of the two of you. I can not thank you enough. I thank God for the kind of family that we have. Salamat," ani Ogie.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.