Paano pinaghandaan ni Liza ang 'Bagani'?

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2018 05:11 PM | Updated as of Mar 06 2018 09:55 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Hindi biro ang pagsasanay at diyetang pinagdaanan ni Liza Soberano bilang paghahanda para sa kaniyang papel sa fantaseryeng "Bagani."

"We had Wushu training... At the same time, I was working out, I was going to the gym regularly," kuwento ni Soberano sa ABS-CBN News.

"Feeling ko sa taping din since long hours, there are times na since you're so busy, you forget to eat," aniya.

Bukod sa madugong stunts, matagal din ang paghahanda ni Soberano sa bawat taping para mabigyang buhay si "Ganda."

Sa katunayan, ani Soberano, inaabot siya ng halos isang oras para lang maayos ang buhok ng kaniyang karakter.

Sa kabila ng mga hamon na kaakibat ng pagiging bida, ipinagmamaki ni Soberano ang serye dahil sa makabuluhan umanong mensahe nito.

"For me, lahat tayo mayroong little hero in ourselves, even in the smallest ways. Kahit wala kang super powers in real life, you are a superhero just by doing good to others," ani Soberano.

Makakasama ni Soberano sa "Bagani" sina Matteo Guidicelli, Sofia Andres, Makisig Morales, at Enrique Gil.

Tampok sa serye ang malalaking engkuwentro ng mga lahi sa kakaibang daigdig ng Sansinukob.

Magsisimula ang "Bagani" sa Lunes, Marso 5, pagkatapos ng "FPJ's Ang Probinsyano." -- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.