Baron Geisler, binugbog daw ng bayaw?

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 02:19 PM

 

A post shared by Baron Geisler (@barongeisler) on

MANILA - Duguan ang mukha ng aktor na si Baron Geisler matapos umano ito bugbugin ng kaniyang bayaw.

Sa isang larawan sa kaniyang Instagram nitong Sabado, ipinakita ng kontrobersiyal na aktor ang maga nitong mata at sugat sa kilay.

"What to do? Break in and bugbug by family. Wow. Still forgive them. Pera pera pag alana si mama," ani Geisler.

Ayon sa ulat ng Pep.ph, sinabi umano ni Geisler sa pulisya na mismong bayaw niya ang bumugbog sa kaniya ngunit hindi niya ito pinangalanan.

Medyo nakainom rin daw ang aktor ng dumulog ito sa pulis at sinabing problema sa pamilya ang dahilan ng pambubugbog. 

Dagdag pa ni Geisler, hindi umano siya lumaban nang siya ay saktan. 

Inilabas din ng aktor ang kopya ng kaniyang request for medical certification mula sa Police Station 3 ng lungsod ng Angeles.

 

A post shared by Baron Geisler (@barongeisler) on

Nakasaad sa dapat sanang pribadong dokumento na sinaktan umano ang aktor bandang alas-2 hanggang alas-3 ng madaling araw nitong Sabado.

Hindi pa raw sigurado ang aktor kung magsasampa ito ng kaso laban sa bayaw na nanakit umano sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.