PANOORIN: Makmak, nakaramdam ng 'kilig' kay Gener

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2017 01:24 AM

Tila nabuhayan si Makmak (Awra Briguela) nang muli niyang masilayan ang bagong kakampi ni Cardo (Coco Martin) na si Gener (Jeric Raval). 

Dagdag "pogi points" pa si Gener dahil, katulad ni Cardo, balak na rin niyang magbagong buhay mula nang sila'y tumiwalag sa sindikatong pinamumunuan ni Chairman (Ronnie Lazaro).

Natulala na lamang si Makmak nang ihatid niya ang mainit na kape kina Cardo at Gener, na tinawag pa nga siyang "Boy."

Dahil dito, muli na namang trending ang episode ng "Ang Probinsyano" nitong Huwebes. Ang iba ay nagbigay pa ng hashtag para sa dalawa: #MakNer. 

Narito ang ilang mga tweets: 

Mapapanood ang "Ang Probinsyano" mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "TV Patrol."