Tommy Esguerra, sumabak sa 'dating game' ng 'UKG'

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 12:30 PM | Updated as of Feb 14 2018 12:47 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sumabak sa "dating game" ng "Umagang Kay Ganda" ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Tommy Esguerra.

Nitong Miyerkoles, naging game si Tommy, ang dating nobyo ni Miho Nishida, sa pagpili ng kanyang date para sa Araw ng mga Puso.

Sa tatlong babae na sumali sa dating game, pinili ni Tommy ang mestizang si Claudine Timola dahil sa galing nito sa pagsagot sa kanyang mga katanungan.

Isang breakfast date kasama si Tommy ang naging premyo naman ni Claudine.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.