Elmo Magalona, handang maghintay kay Janella

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 12:34 PM

 

A post shared by Magandang Buhay (@_magandangbuhay) on

MANILA -- Handa si Elmo Magalona na maghintay sa ka-love team na si Janella Salvador.

Ito ang ibinahagi ng aktor sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles kung saan nag-guest sila ni Janella para sa pelikulang "My Faiy Tail Love Story" na palabas na ngayon sa mga sinehan.

"Lagi kong sinasabi na I understand and nirerespeto ko na si Janella is only 19 lang at marami pa siyang pagdadaaanan, marami pang experiences na pagdadaanan pa. Pero willing to wait ako at lagi kong sinasabi kay Janella 'yon," ani Elmo na inaming espesyal para sa kanya si Janella.

"She always knows naman lagi kong sinasabi sa kanya na she's special and masaya ako na mas naging deep 'yung friendship namin, yung relationship namin," dagdag ni Elmo. "Siyempre may kasama ng pagmamahal 'yon."

Tinanong naman ang dalaga kung may timetable ba ang paghihintay sa kanya ni Elmo at sinabi nito na wala naman siyang tiyak na edad na ibinigay sa sarili para pumasok sa isang relasyon.

"Ako kasi I don't believe 'yung date ka sa marami, parang sinasabi nila na collect then select daw. Hindi ako naniniwala sa ganoon. Ako kasi if I enter into a relationship, I'd rather date to marry. Pang-long term dapat," ani Janella.

Nang hiritan naman ng tanong kung si Elmo na nga ba ang "the one" para sa kanya dahil sa kanilang mga paglabas, tugon ng aktres: "Kung dumating 'yung time na kami na talaga, I guess that means I'm really praying na until the end kami na talaga."

Taliwas rin sa paniniwala ng ilang mga kabataan, importante kay Janella na maging "official" at magkaroon ng "label" ang isang relasyon.

"For me it's important pa rin to make it official or to put a label pero you have to be very sure kapag nilagyan mo ng label," ani Janella na inaming importante si Elmo para sa kanya.

"Ako naman I don't think there's anything wrong if I tell anyone na he's also very important to me," ani Janella.

Inamin naman ni Elmo na kay Janella niya natutunan na kailangang maresolba agad ang away at pagkatapos ay kalimutan na ito.

"Kapag may away kami or kapag may hindi kami napagkakasunduang bagay tina-try naming pag-usapan. Sa kanya ko rin natutunan 'yon kasi 'yun nga parang hindi rin talaga okay na natulog ka tapos paggising mo nandoon pa rin ang hinanakit na feeling mo sa mahal mo," ani Elmo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.