Celebs, nagbahagi ng plano ngayong Valentine's Day

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2018 11:39 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hectic man ang schedule ng paborito nating mga celebrity ngayong Valentine's Day, nagagawan pa rin nila ng paraan na maging espesyal ang okasyon kasama ang mga minamahal at inspirasyon.

Si Coleen Garcia, isa sa mga bida ng pelikulang "Sin Island," at si Kiana Valenciano na kasama ang ama na si Gary Valenciano sa "Love in Motion" Valentine concert, isasabay sa trabaho ang schedule ng love life.
 
"Mayroon kaming block screening on Valentine's Day, tapos nag-invite kami ng mga friends namin. So we're spending Valentine's Day together watching the movie," ani Coleen na malapit ng ikasal kay Billy Crawford.

"He will be watching the show. Maybe after the show, we can hang out with our friends. Maybe over the weekend we will be able to do something," ani Kiana na nobya ni Sam Concepcion.

Si Xian Lim, walang naibahagi dahil sorpresa pa ang lahat para sa kanilang Valentine date ni Kim Chiu.

"It's always a surprise, always spontaneous para sa akin. Kasi usually kapag pinaplano may chance na hindi natutuloy," ani Xian.

Kakaiba naman ang sagot ng sexy actress na si Nathalie Hart na mukhang nag-iisa ngayong Araw ng mga Puso.

"'Wag na natin pag-usapan. Wala eh, wala naman," ai Nathalie.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.