Janella, sinorpresa ng BFFs niyang sina Liza at Julia

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 11:02 PM | Updated as of Feb 13 2018 11:22 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa unang pagkakataon, sumabak ang aktres na si Janella Salvador sa paghahatid ng balitang showbiz sa programang "TV Patrol" nitong Martes, Pebrero 13.

Humalili ang 19 anyos na aktres kay Gretchen Fullido bilang Star Patroller.

Isa sa mga hinatid na balita ni Salvador ay ang pagdalo ng mga kaibigan niyang sina Liza Soberano at Julia Barretto sa premiere ng kaniyang pelikulang "My Fairy Tail Love Story," Lunes ng gabi.

Watch more in iWantv or TFC.tv

"Janella asked us personally to come and support her. She's a very good friend of ours, so of course, we would go all the way out for her" ani Soberano.
 
"This is our way of showing our support for her, and we're very excited for her," sinabi naman ni Barretto.

Wala ring isyu ng pagiging magkaribal kina Soberano, Barretto, at Salvador na magkaka-batch na Star Magic artists ng 2013. 
 
Nagpasalamat naman si Salvador sa kaniyang mga kaibigan.

Inihatid din ni Salvador ang mga balita tungkol sa matatag na samahan nina Troy Montero at Aubrey Miles, at pagdayo ng ABS-CBN Sorpresaya Truck sa Pulilan, Bulacan.

Si Janella Salvador, sa kanyang unang guesting bilang Star Patroller sa primetime news program na TV Patrol sa ABS-CBN News.Mark Demayo

Sa pagtatapos ng TV Patrol, tinanong naman ni Kabayan Noli de Castro si Salvador kung sino ang makaka-date niya sa Valentine's Day sa Pebrero 14. 

"Siyempre 'yung prince charming ko sa 'My Fairy Tail Love Story,' si [Elmo Magalona]," sagot ni Salvador. 

Sa Pebrero 14 ipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang pinagbibidahan nina Salvador at Magalona.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.