Donita Rose, kinuwento ang masamang alaala ng Valentine's Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 13 2018 03:06 PM | Updated as of Feb 13 2018 03:22 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Higit isang taon matapos ang diborsiyo sa dating asawang si Eric Villarama, naging bukas si Donita Rose sa totoong nangyari sa kanilang pagsasama.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, matapang na ibinahagi ni Donita kung paano natapos ang relasyon nila ng dating asawa.

Ayon kay Donita, nagsimula ang pagkakaroon nila ng away mula nung manirahan sila sa Estados Unidos.

"Napansin ko na medyo off na 'yung relasyon namin. From the Philippines kasi we moved to US, kasi sabi niya he felt na he is not man of the house because siyempre sa Pilipinas may career ako, parang kino-compare kaming dalawa. So, we moved to the US. Ang pagkakamali namin is we moved in with my mom's side of the family. So nagkaroon ng tension between my family and him," ani Donita.

"Then noong medyo nagkaroon ng LQ (lovers' quarrel) nag-request siya ng time out. So nag-move out siya on his own. Doon ako kinabahan na, kasi hindi ako naniniwala sa separation. So at that time nagkaroon ako ng offer back dito sa Pilipinas. Financially things are tough for me personally and hindi siya tumutulong. So, sabi niya sa akin I want you to take this job, you have to obey me. So bumalik ako dito pero things were off and I started going for marital counselling and stuff like that. Siya 'yung nag-initiate ng counselling. So, akala ko okay kami kasi he would call five times a day, sasabihin niya sa akin, 'you are beautiful.' Ang dami niyang sinasabi, akala ko we are on the right track but in my heart something was telling me different," ani Donita.

Ayon kay Donita, Valentine's Day noong nagkaroon ng kasagutan sa kanyang pangamba. 

"That was Valentine's Day, hindi siya tumawag. So sabi ko that's strange, baka nakalimutan lang niya. Tapos noong (February) 15 na hindi pa rin siya tumawag, tumawag ako. Hindi siya sumasagot ng phone, then kinabahan na ako. Then I felt na God was already telling me there's somebody else na. So noong nakausap na siya he said, 'Why are you calling me?' Hindi kasi ako ang tumatawag sa kanya, laging siya ang tumatawag sa akin kasi raw 'yung connection, naniwala naman ako sa lahat ng (sinasabi niya). Then, nung tumawag ako sabi niya, 'Why are you calling me?' 'What do you mean why am I calling you, I'm your wife, saan ka ba?' Tapos sabi niya, 'I'm here in this place.' 'Sabi mo nasa Las Vegas ka, bakit ka nandiyan?' 'Eh kasi maagang natapos ang trabaho, nagyaya ang collegues ko na mag-surfing.' Sabi ko, 'No, may something na mali,'" ani Donita, na diniretso na ang tanong sa dating asawa kung may ibang babae itong kasama.

"Siguro nagulat na lang siya at umamin bigla sa akin. Nagulat ako I was not expecting it. The only time I ever felt it na baka mayroon na talaga was the day before. So there's not enough time for me to process na what he was saying, na sinabi na niya 'yung pangalan ng babae. Sobrang nagulat ako," pag-amin ni Donita.

Ani Donita kahit pa may naging usapan sila noon na tapusin ang kanilang relasyon sakaling magloko ang asawa ay binalewala niya ito para lang maayos ang kanilang pagsasama.

"When you are in that situation at mahal mo 'yung tao, gagawin mo ang hindi mo akalain. I told him immediately noong sinabi niya 'yung pangalan ng babae, tapos umiiyak na siya. Then I said, 'You know what I don't understand this pero I love you and I'm willing to forgive you,'" ani Donita.

Pero kahit pa handa siyang magpatawad, nalaman ng aktres na patuloy na nakikipagkita ang dating asawa sa ibang babae.

"Hanggang sa nasabi ko na, 'Okay babalik ako sa Amerika after this project that I'm doing. Tapos mag-usap na tayo, mag-decide ka.' Tapos sabi ko, 'It takes two people to make the marriage work. You have to decide, do you want to save our marriage or not?' Tapos sabi niya, 'I'm not ready.' In other words kahit na the person that he was with iniwan siya para sa ibang lalaki dahil sobrang tagal daw na hiwalayan ako. So sabi ko, 'Wait a minute. Kung iniwan ka ng babae and you're saying na you are not yet ready to fix us, then malinaw na malinaw na sa akin that you don't want to save our marriage. Then I will decide na I have to move on na rin.' Kasi it's too much na, kailangang magkaroon ng respeto ako sa sarili," ani Donita .

Aniya, may kapayapaan na sa kanyang puso't isipan noong pirmahan niya ang mga papel para sa legal na paghihiwalay nila ng dating asawa sa Amerika.

Ngayon, aminado si Donita na magkaibigan na sila ng dating asawa.

"We are friends," ani Donita na maraming natutunan pagdating sa pag-ibig na itinuturo niya ngayon sa kanyang anak.

"Tinuturuan ko ang son ko as early as now kung paano magmahal ng isang babae. Tinuturuan ko siya, 'Anak, kailangan bubuksan mo 'yung pintuan para sa aming babae. Kapag umuuwi ka lagi kang magki-kiss sa akin, ganoon din ang gagawin mo kapag nag-asawa ka na. You will do these things for the rest of your life because you are going to respect women.'"

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.