KZ Tandingan, trending matapos kabogin si Jessie J sa 'Singer 2018'

ABS-CBN News

Posted at Feb 10 2018 01:26 AM

Inulan ng papuri mula sa netizens ang Kapamilya singer na si KZ Tandingan matapos manguna sa isang Chinese reality singing show at kabugin ang international pop star na si Jessie J.

Kakaibang twist sa kantang "Rolling In The Deep" ni Adele ang ipinamalas ni Tandingan sa unang salang niya sa kompetisyong "Singer 2018" na ginaganap sa China. 

Bukod kay Jessie J, marami pang ibang tanyag na mang-aawit mula sa iba't ibang bansa ang kalahok sa nasabing patimpalak.

Kamakailan lang, kumalat din ang video ng unang pagkikita ni Tandingan at ng kaniyang idolong si Jessie J.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.