Lolita Carbon ng Asin, sasabak sa Valentine's concert

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 02:37 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang maagang throwback jamming ang naganap sa "Umagang Kay Ganda" sa pagbisita ng bokalista ng bandang Asin na si Lolita Carbon.

Nitong Miyerkoles, ibinahagi ng OPM icon na sa unang pagkakataon ay magkakaroon siya ng Valentine's concert. 

Makakasama niya ang Metro Manila Concert Orchestra (MMCO) sa show na gaganapin sa Manila Hotel sa Pebrero 14. 

Tampok din sa concert na "Himig ng Pag-Ibig" si Noli Aurillo.

"Marami kayong maririnig na hindi niyo naririnig sa akin sa plaka. Mga impromptu na maganda," ani Lolita.

"Lalo kayong mai-in love sa mga mahal niyo sa buhay," dagdag niya.

Ang bandang Asin ang nagpasikat ng mga awiting "Masdan Ang Kapaligiran," "Himig ng Pag-Ibig" at "Usok."

Para sa mga manonood, nagpasampol din si Lolita ng kanyang dalawang awitin at isa rito ang "Himig ng Pag-Ibig."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.