Karla Estrada, may payo kung paano patibayin ang relasyon sa anak

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2018 02:44 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Paano nga ba napatibay ni Karla Estrada ang relasyon niya sa kanyang mga anak?

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Karla ang naging payo ng ina na huwag paghiwa-hiwalayin ang kanyang mga anak.

"Bilang malayo sa akin ang nanay ko at hindi na ako masyadong humihingi ng payo kasi ang tagal ko ng independent, basta ang hindi ko lang makakalimutan na lagi niyang sinasabi noon na huwag mong paghiwa-hiwalayin ang mga anak mo. Huwag mo silang ibigay sa mga ama nila. Palakihin mo, igapang mo 'yan at sa iyo lang 'yan, dapat ikaw ang magpalaki," ani Karla.

Ayon kay Karla, sinunod niya ang payo ng kanyang ina na siyang nagpatatag sa relasyon niya sa kanyang mga anak. 

"Ginawa ko nga. Kasi ganoon din naman kami. Kaya naging close kaming magkakapatid at 'yung mga anak ko ay close rin," ani Karla.

Ang panganay na anak ni Karla na si Daniel Padilla ay anak nito sa aktor na si Rommel Padilla.

Si Jose Carlito o JC ay anak naman ng aktres sa bokalistang si Naldy Padilla.

Ang una niyang babaeng anak na si Margaret ay anak naman niya sa isang politiko. 

Samantala, hindi pa rin bukas si Karla sa kung sino ang ama ng kanyang bunsong anak na si Carmella.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.