'Sana Dalawa Ang Puso': Leo at Lisa, may kasunduan

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 03:56 PM | Updated as of Feb 05 2018 04:19 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang kasunduan ang naganap sa pagitan nina Lisa (Jodi Sta. Maria) at Leo (Robin Padilla), mga bidang karakter ng sikat na seryeng "Sana Dalawa Ang Puso."

Nitong Lunes, nanguna si Lisa sa kasunduan na gagawin ang lahat ng nais ni Leo kung mapapatunayan niyang hindi siya ang kumuha ng kanyang flash drive na naglalaman ng importanteng files.

"Pero kapag napatunayan ko na kasabwat kayo ng kumpanyang kalaban namin, sisiguraduhin ko pagbabayaran niyo ang lahat ng ito. Dahil kung sa lugar niyo ay okay lang magnakaw, sa teritoryo ko eh hindi," ani Lisa.

"Boss/Ma'am, saksi ko ang lupang tinatayuan ko at ang karangalan ng mga Tabayoyong, patutunayan ko sa iyo inosente kami at pagbabayaran mo lahat ng pagbibintang mo sa amin," ani Leo.

Sa huli -- at sa unang pagkakataon -- ay nagkamay ang dalawa para isarado ang kasunduan.

Samantala, nagsimula na si Mona sa kanyang bagong trabaho bilang isang chambermaid. 

Matapos namang mapagbintangan, nanatiling determinado si Martin (Richard Yap) na mapalapit muli kay Lisa.

Gamit ang hashtag na #SanaDalawaAngPusoExDeal, muling gumawa ng ingay sa social media ang programa na isa sa mga trending topic sa Pilipinas.

Narito ang ilan sa reaksiyon ng mga netizens na tumutok sa "Sana Dalawa Ang Puso."

Abangan ang susunod na mga tagpo sa naging kasunduan ni Lisa at Leo sa "Sana Dalawa Ang Puso" mula Lunes hanggang Biyernes bago ang "It's Showtime."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.