Bakit ayaw pang mag-asawa ni Joseph Marco?

ABS-CBN News

Posted at Feb 05 2018 12:23 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Inamin ni Joseph Marco na ang kanyang ina ang dahilan kung bakit hindi pa niya naiisip ang mag-asawa.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, sinabi ng aktor na gagawin niya ang lahat para mapasaya ang kanyang inang si Darlene Marco na ginawa ang lahat para sa kanilang magkakapatid.

"Ever since tinalikuran na niya ang career niya, nag-focus siya sa amin ng kuya ko, ng mga kapatid ko and for me that's really something and hindi mo kami iniwan. Nandito ka lang kahit na from pagigig sobrang spoiled naming magkakapatid hanggang sa nagkaroon tayo ng financial problem nandiyan ka. Ikaw ang naging poste namin," ani Joseph.

Inamin din ni Joseph na nagrebelde siya noong nagkaroon sila ng matinding problema sa pamilya.

"Hindi ko matanggap, hanggang sa tumira ako sa friends ko, nakipag-live in ako sa ex ko for like a year pero wala akong narinig sa kanya. Noong bumalik ako, nandoon lang siya, na palagi lang siyang naghihintay sa amin. I think it's time na ako naman 'yung magpasaya sa inyo, kasi naibigay niyo na ang lahat. Kung ano man ang kailangan mo, I'm going to give it to you. Paghihirapan ko 'yan just to see you smile and maging masaya ka. Kaya 'di kita iiwan kahit anong mangyari, I'm going to be here for you. I love you so much. Kaya nga hindi pa ako nag-aasawa," ani Joseph.

Para naman sa kanyang ina, isang pagsubok lang ang kanilang pinagdaanan. At palagi siyang nandiyan para sumuporta sa aktor na isa sa mga bidang aktor ng seryeng "Wildflower."

Bumisita si Joseph Marco sa "Magandang Buhay" kasama sina RK Bagatsing at Vin Abrenica para anyayahan ang mga manonood sa huling linggo ng "Wildflower."