KimErald, sinagot kung kailan ang kanilang susunod na proyekto

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2018 11:08 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tinutukan ang pagtatapos ng balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson, kilala rin bilang 'KimErald,' sa seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin."
    
Siyam na buwan tumakbo ang serye at nagtapos sa isang "happy ending," patunay na may kagat pa rin sa mga manonood ang sikat na tambalan. 

Sinagot naman ng dalawa kung masusundan pang muli ang kanilang proyekto.

"Ako, personally, it has to be the perfect project eh. Ito sobrang ganda, tapos ang haba pa so the fans really got to watch something na every morning, mahaba pa. I think we aired for nine months, gano'n. So it has to be perfect," ani Anderson.

"Depende sa story...For now sobra kaming happy and thankful na sinuportahan kami. And also, regalo namin ito sa lahat ng mga KimErald na sumusuporta sa amin through the years," pasasalamat ni Chiu.
    
Kapansin-pansin ang pagma-mature ng Kimerald on at off screen, pero anila, nag-mature din daw ang kanilang fans na full-support maging sa social media.

"Yeah, especially social media di ba? Parang kasama mo na fans sa sala mo eh, sa bahay mo, di ba?" saad ni Anderson.

"Oo. [Parang] may reality show ka sa Instagram stories. Dinadala mo sila sa bahay mo, sa gym mo, sa vacation mo. Parang pa-Kardashian levels," kuwento ni Chiu.

Kaya naman hindi madamot sa pagse-share ang dalawa sa ilang detalye ng personal nilang bakasyon noong holidays.

Si Anderson ay nagbakasyon sa Amerika samantalang si Chiu ay nagpunta sa Europa kasama ang napababalitang nobyo na si Xian Lim. 

Sa ngayon, makakatambal sa pelikula ni Anderson si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Si Chiu naman ay sasabak sa isang comedy movie.

--Ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.