Actors Guild of the Philippines, sakop na ng PhilHealth

ABS-CBN News

Posted at Jan 26 2018 11:29 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa unang pagkakataon, pumasok sa isang kasunduan ang Actors Guild of the Philippines at PhilHealth para sa medical coverage ng mahigit 1,500 na kasaping artista. 

Naiyak pa ang presidente ng Guild na si Imelda Papin na tiyempong nagdiriwang din ng kaniyang kaarawan.

Aniya, sa wakas ay protektado na ang mga artista sa oras ng kagipitan. 

"Sa tagal ng panahon, ngayon lang po ito natupad...Kahit sinong miyembro magkasakit, automatic na silang covered ng PhilHealth," ani Papin.

Inalala ng Guild ang hirap ng mga beteranong artista tulad ni Dick Israel na pumanaw habang di pa sakop noon ng benepisyo. 

Giit ng PhilHealth, kinikilala nila sa hospitalization coverage ang mahihirap na sektor ng industriya tulad ng mga stuntmen at bit players sa pelikula. 

"It's a fulfillment of the mandate of PhilHealth to make every Filipino part of the system," ani Dr. Ish Pargas, tagapagsalita ng PhilHealth.

Naayos na rin ang PhilHealth at SSS coverage ng mga musikero.
 
Nangako naman ng tulong sina Papin sa beteranong aktor na si Bernardo Bernardo na may sakit sa pancreas. 

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.