Maris, nadulas tungkol sa date nila ni Iñigo

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2018 11:41 AM | Updated as of Jan 24 2018 05:24 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Napuno ng kilig ang "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles nang madulas si Maris Racal na nag-date sila ni Iñigo Pascual.

Nag-ugat ang pagkukuwento ni Maris tungkol sa naging paglabas nila ni Iñigo nang sagutin ng aktres ang tanong kung bakit mahirap aminin ang love life sa mga magulang.

"In my case, 'yung parents ko very old souls sila, 'yung old school style sa panliligaw, 'yung mga ganoon. Tapos i-imagine ko ikukuwento ko sa papa ko, 'Uy Pa, nag-holding hands kami.' Baka masampal na po ako noon," panimula ni Maris.

Dagdag niya: "Tatawag 'yan si Mama, [sasabihin niya] 'Maris, lumabas pala kayo ni ano (Iñigo), nabasa ko. Ano 'yang exclusively talking-talking na ganoon?' Kasi 'yung mga ganoon, parang nalalaman lang nila 'yang mga 'yan [kapag nabasa nila]."

"[Sagot ko] 'Opo, nag-date kami.' [Tanong niya] 'Ano ang ginawa niyo?' [Sabi ko] 'Eh di kumain kami ng pagkain, nanood.' 'Yung mga ganoon," ani Maris habang walang tigil sa paghiyaw ang audience.

Pag-amin ni Maris, naikukuwento na rin niya sa kanyang mga magulang si Iñigo.

"Oo naman po. Kasi sobrang public din kasi ng ano namin, kaya nalalaman din nila 'yung mga ganoon-ganoon," ani Maris na umaming nagkakilala na si Iñigo at kanyang ina.
 
Matatandaang sa nakaraang panayam, sinabi ni Iñigo na "exclusively talking" na sila ni Maris.

"We are exclusively talking to each other. I'm not talking to anybody else. I asked her, she's not talking to anybody else. We are not like an official thing. But we definitely find each other very special to each other, very near to each other," ani Iñigo.