Meryll Soriano, 10 taon nang malaya sa droga

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 11:46 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Matapang na inamin ng aktres na si Meryll Soriano ang paggamit niya noon ng ipinagbabawal na gamot.

Sa pagbisita nito sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, inamin nito na dala ng kanyang pagrerebelde ang dahilan ng paggamit niya ng ilegal na droga.

"Nag-ano ako noon, nag-drugs. I think it was just part of 'yung pagiging rebelde ko. And 10 years na akong sober, 10 years na akong clean," ani Meryll. "I struggled with show business because I really wanted to go to school. Doon na nag-start 'yun." 

"I wanted to go abroad for college and hindi ko magawa because I was already working. I felt like I've been working and I really wanted to go and have an education abroad. Tapos parang di puwede. So 'yon na, nag-start na akong magrebelde. Di ko ever naramdaman na hindi ako kilala. So 'yon, nag-start na," dagdag ng aktres.

Sa kanyang pinagdaanan, natutunan ni Meryll ang kahalagahan ng paghingi ng tulong sa iba.

"I think anybody who's going through a hard time should learn how to ask for help. I think that's very, very important kasi 'yun ang nag-save sa akin," aniya. 

"I asked for help noong parang di ko na kaya. Tapos 'yung faith mo [mahalaga]. Nagising na lang ako ng isang araw na, 'Lord, ayaw ko na.' Then I talked to my parents," pag-alala ng aktres.

Aniya, maganda rin na mapasama sa mga mababait at mapagkakatiwalaang mga kaibigan o kasama.