Carlo Aquino, aminadong kabado sa bagong pelikula

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 02:50 PM

 

A post shared by Reyma Buan Deveza (@reymabd) on

MANILA -- Kakaibang hamon para kay Carlo Aquino ang pagganap sa pelikulang "Meet Me in St. Gallen" kung saan kasama niya si Bela Padilla.

Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ng aktor na hindi pa rin siya makapaniwala na bida siya sa isang romantic film.

"Ibang challenge ito kasi iba siya sa pagkatao ko eh. Siya (karakter) kasi, hindi siya sinusuportahan ng family niya, sa kung ano ang gusto niya sa buhay. So nagpatulong ako kay direk Irene at kay Bela," ani Carlo.

"Saka first ko ito as lead na romantic. Kaya nga kinakabahan ako," dagdag ng aktor.

Ayon kay Carlo, tinanggap niya ang proyekto dahil sa ganda ng istorya nito.

Pag-amin niya, malaki ang kaba niya lalo na sa kung ano ang inaasahan ng tao sa kanyang pelikula.

Sa direksyon ni Irene Villamor, ipapalabas Ang "Meet Me in St. Gallen" sa Pebrero 7.

PASASALAMAT

Sa sunod-sunod na proyektong kanyang ginawa at gagawin, nagpasalamat si Carlo na hindi natuloy ang plano niya noon na iwanan ang show business.

Aminado ang aktor na dumanas siya noon sa depresyon dahil sa kanyang karera at inisip na magtrabaho sa ibang bansa.

"Thankful kahit na medyo na-depress ako, feeling ko kasi kailangan ko ring daanan 'yun para makapunta ako rito. Para magkaroon ako ng purpose siguro na ituloy ito, lumaban. Siguro kapag hindi ka na natatalo, hindi ka na nabubuhay. Kasama lang siguro talaga 'yun," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.