Agot Isidro, handa nang umibig muli?

ABS-CBN News

Posted at Jan 12 2018 11:45 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Aminado si Agot Isidro na minsan ay hinahanap-hanap pa rin niya ang pagkakaroon ng kapareha.

Ngunit nilinaw ng aktres na masaya naman siya ngayon sa kanyang pag-iisa.

"Masaya ako eh as it is. Masaya ako being alone. Minsan lang nakaka-miss 'yung mayroon kang kasama, mayroon kang kaakibat," paliwanag niya sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes. 

"Pero otherwise, my family and my friends are enough to keep me happy," dagdag niya.

Giit ni Agot, nakapag-move on na siya sa naging paghihiwalay nila ng dating asawang si Manu Sandejas, at ngayon ay handa ng umibig muli.

Matatandaang 2011 nang aminin ni Agot na hiwalay na sila ng dating asawa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.