Bakit muntik tanggihan ni Shaina Magdayao ang role sa 'Asintado'?

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2018 08:53 PM

 

A post shared by Shaina Magdayao (@shaina_magdayao) on

Ikakasa na ngayong Lunes ang bagong afternoon teleserye ng ABS-CBN na pinamagatang "Asintado." 

Pagbibidahan ito ni Julia Montes na gaganap blang si "Juliana Dimasalang," isang emergency response technician na haharap sa maaksiyong pagsubok sa buhay.

Todo rin ang paghahanda nina Aljur Abrenica at Shaina Magdayao na gaganap bilang sina Xander Guerrero at Samantha del Mundo na magpapahirap sa karakter ni Montes.

Pero ayon kay Magdayao, muntik niya nang tanggihan ang role dahil kailangan niyang magpahinga para sa kaniyang kalusugan.

“When this was offered to me, I was set to say 'thank you for considering me and I really appreciate it.' I was set to say thank you to Dreamscape na kinonsider nila ako sa role na ‘to. And sana sasabihin ko ‘pero hindi ko ho kayang gawin,’” kuwento ng aktres.

Nagpapasalamat naman siya dahil sa kabila nito ay tila para sa kaniya talaga ang role at napabigyan pa siya sa kaniyang bakasyon.

“Parang the role was meant to be given to me dahil kinonsider naman ‘yung bakasyon ko so I had enough time to rest tapos pag-uwi ko may trabaho. And then ganito pa ‘yung mga makakatrabaho mong artista,” aniya.

Aminado rin ang aktres na hindi madali ang kaniyang role pero hindi niya kayang tumaggi rito.

“This challenge was a beautiful challenge kahit na every taping day, it’s a struggle to become Samantha… This is a project na I couldn’t say no to.”

Nilinaw din ni Magdayao na maayos na muli ang lagay ng kaniyang kalusugan.

Nauna na ring itinanggi ni Magdayao na pinalitan niya ang dapat sana'y papel ni Angelica Panganiban sa teleserye.

“When they presented it to me, I asked them, ‘Ito ba 'yong role?’ Because I just wanted it to be clear also. Pero sabi nila hindi because from iyong original story, nag-iba na raw talaga. Nagkaroon ng major changes story-wise. Hindi daw ang character na iyon. Although technically, pareho ang theme. Mayroon pa ring action, mayroon pa ring family at love interest,” ani Magdayao sa isang panayam noong Disyembre.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Julia at Paulo, magkakasamang muli sa serye

Kung muntik nang tumanggi si Magdayao sa kaniyang role, sinabi naman ni Montes na maganda ang timing ng "Asintado" dahil mas active ngayon ang kaniyang lifestyle.

Magkakatambal din sina Montes at Paulo Avelino na huling nagkasama sa teleseryeng "Walang Hanggan" noong 2012.

“Last ko pa siyang nakatrabaho, hindi pa yata siya legal age noon. Masaya ako dahil nakikita ko na hindi lang siya nag-mature bilang isang babae kundi pati isang aktres,” ayon kay Avelino. 

Tiniyak naman muna ni Montes na maka-bonding ang pamilya bago pa simulan ang “Asintado.”

Masigla ang career at masaya ang family life pero medyo iwas naman si Montes magdetalye pagdating sa kaniyang lovelife.

Sa latest guesting ni Montes sa “Magandang Buhay,” naging malaman ang biruan ng hosts sa aktres pero mukhang career muna ang aasintahin niya ngayon. 

Mapapanood ang “Asintado” sa ABS-CBN simula Lunes, Enero 15.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.