Shamaine Buencamino, inalala ang pagpanaw ng anak na si Julia

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2018 01:58 PM | Updated as of Jan 09 2018 04:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv


MANILA -- Halos dalawang taon matapos humarap sa isa sa pinakamasakit na bahagi ng kanyang buhay, nagsalita na ang aktres na si Shamaine Buencamino sa pagpanaw ng kanyang anak na si Julia noong 2015.

Sa "Magandang Buhay" nitong Martes, inamin ni Shamaine na hindi niya agad natanggap ang biglaang pagpanaw ng anak.

"Alam mo 'yung eksena kapag may namamatay sa family sa pelikula sa TV, hindi ba iyak ka kaagad? Hindi ganoon. Ang naramdaman ko parang tumahimik ang mundo. Tapos wala akong naririnig. Immediately kasi kinakausap ko siya, parang nandoon pa siya. Kinakausap ko siya. Sabi ko, 'Go with God, I love you,'" aniya.

Ayon kay Shamaine, hindi niya naisip na maaring mangyari ang naganap sa kanyang anak.

"Unfortunately for us, we were foolish. Ngayon nasasabi ko na in hindsight, parang ang tanga-tanga namin kasi akala namin, dahil pinalaki namin silang masayahin, naibigay namin ang lahat ng kailangan nila, okay na. So, 'yung ginagawa niyang artworks or 'yung journal niya, hindi ko tinitingnan, hindi ko rin binubulatlat," aniya.

"Early on, noong mga bata pa sila pinag-aawayan nila kapag sinisilip ng kuya 'yung sinusulat ng mga bata. So, parang may written rule sa bahay na you can't look. Ganoon din ang ginawa ko sa kanila na kahit nandoon lang 'yung diary ni Julia, hindi ko tinitingnan. Kung tiningnan ko lang, nakita ko, nalaman ko na mayroon siyang ini-inda, mayroon siyang sakit mula noong 12 siya," paliwanang ni Shamaine.

Ani Shamaine, kung nalaman lang niya na may depression ang kanyang anak ay natulungan sana nila ito at nadala sa doktor.

"We are not talking about sadness. Sadness comes and goes, it's normal to be sad. Kapag depression, may time frame 'yan. Two weeks na malungkot ka na hindi nawawala ang bigat o lungkot mo, punta ka na ng doktor," ani Shamaine.

"Ang depression, most of it, wala kang nararamdaman. Hindi ka 
nakakaramdam ng lungkot, hindi ka nakakaramdam ng saya. Wala kang nararamdaman. May kaunting sadness, may kaunting galit, tampo sa mundo, feeling of being small or unworthy, pero malaki pala ang portion na wala ka lang talagang nararamdaman," dagdag ni Shamaine.

Inalala rin ni Shamaine ang huling sandali ng anak.

"Noong araw na 'yon, bago ako umalis, may rehearsal ako, kagigising niya lang kasi may taping siya for 'Oh My G!' Nasa taas siya, sabi ko sa kanya, 'Kumakin ka na sa baba.' By the time I left nagtanong siya, 'Anong oras ka babalik?' Usually ganoon nagtatanong siya, nasa phone siya. I don't know if you know this but for those suicidal people who have decided to take their lives, they are actually happy during their last day or hours. Kasi mabigat ito sa kanila. In Julia's case tatlong taon niya itong dinala, so noong nag-decide siya noong araw na 'yon, it's almost a release for them. So masaya siya noong araw na 'yon, hindi siya 'yung umiiyak o nagkukulong. Hindi siya 'yung ganoon na umiiyak o nagkukulong ng grabe, malungkot tulad ng ibang tao na akala ko ay teenage angst lang," pagbabalik-tanaw ni Shamaine.

Sinabi ni Shamaine na tanging ang pananalig sa Diyos ang naging sandalan niya at ng kanyang pamilya.

"Lalong-lalo na pagkatapos na mamatay ni Julia, kami ni Nonie (Buencamino) araw-araw nagsisimba talaga," ani Shamaine.

"Kasi paggising mo lang sa umaga para kang nakukuryente na parang ayaw mo ng mabuhay din. So magsisimba kami agad tapos yon ang aming strength the whole day," dagdag ng aktres na inaming isang paraan na ginawa niya upang maghilom ay buksan at tingnan ang lahat ng ginawa ng anak.

"Aside from going on a retreat and going to Mass, binulatlat ko lahat ng gamit niya. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari. Hindi ako natakot na harapin 'yon. Si Nonie ayaw niya. So ako lang mag-isa na tinitingnan ko 'yung mga journal niya, works niya. Kapag may nakikita ako, saka ko ipinapakita kay Nonie 'yung mga key things kaya naisip kong pumunta sa psychologist para sa psychological autopsy. 'Yung works ng tao, 'yung mga sinulat niya dinrawing niya dadalhin sa psychologist at i-interpret niya 'yon. In Julia's case sabi ng doctor mayroon siyang borderline personality disorder (BPD) na hindi namin ever naisip. That's why they call it the invinsible illness because any person who is suffering from depression or bipolar they can hide it parang normal lang... they hide it because of the stigma," ani Shamaine.

Ayon kay Shamaine, nagdesisyon siyang magsalita tungkol sa nangyari kay Julia para magbigay aral sa mga tao lalo na sa mga magulang.

"It was a very conscious decision na magkaroon ng advocacy. Ang ano ko nga noon sana sinabi ng anak ko. Bakit di niya sinabi, ganoon bang magulang ako na 'di niya sinabi ang sakit niya. Kapag masakit naman ang tiyan niya sinasabi iya sa akin. Sabi ko dapat kapag ang bata kapag mayroon silang nightmare, bad thoughts kailangang sabihin sa magulang . The flip side of it as parents, in denial na mangyayari 'yon sa anak natin. ... Hindi ko naisip na mangyayari 'yon kasi ang tingin ko sa pamilya ko normal. Normal kami, masaya kai, nag-usap kami. Tinatanong namin kung may boyfriend siya, may crush ba siya, nasasabi niya sa amin pero 'di pala sa lahat ng bagay," ani Shamaine.

Para sa alaala ng anak, sinimula ni Shamaine at ng kanilang pamilya ang Julia Buencamino Bench Project na naglalayong paalalahanan ang mga bata na kailangang magsabi kung may pinagdadanan ito. 

"Ang bench ay isa lang sa mga projects ng Julia Buencamino Project. 'Yung bench actually that was a suggestion of a friend. In other countries kasi mayroon silang ginawang (research) na kapag ang bata ay malungkot sa recess nauupo siya sa bench. It's a signal to other kids na I need a friend, I'm alone. So mas madali, mas mabilis makakuha ng kaibigan 'yung mga batang nauupo. The bench is more like a symbol and a reminder when we bring it to school parang reminder sa kanila na kung mayrooon kang ganitong experience, kung nalulungkot ka ng sobra or you have a depression, huwag mong mag-isang kargahin kailangang may sabihan ka na mas matanda," ani Shamaine.

Tuluyan namang umiyak si Shamaine nang matanong kung ano ang mensahe niya sa pumanaw na anak. 
 
"Ang mensahe ko kay Julia... mahal na mahal kita anak, alam ko nandiyan ka lang. Alam ko magkikita tayo kaya pinipilit kong maging mabuti. Alam ko hindi mo kasalanan na may sakit ka at ginagawa ko ito ang pagsalita sa TV para sa iyo, para sa mga kaibigan mo, para sa mga batang katulad mo," ani Shamaine habang umiiyak.

Bilang ina, payo ngayon ni Shamaine na tingnan pa rin ang mga sinusulat o ginagawa ng mga anak.

"Sabi nga ng spiritual adviser ni Nonie, it's your responsibility kasi menor de edad pa 'yan. You should know everything about your child, just be creative kung papaano para di ka mahuli," aniya.
 
"So for me kailangan tanggapin mo ang posibilidad na pwedeng magkasakit ng ganoon ang anak mo at kailangan tanggap niya rin na pwede siyang magkaroon. Na okay lang na to be mentally ill... or to have mental condition that it's accepted. At hindi sila baliw. Dapat maituro 'yon, kung maituturo 'yon kahit bata pa then they will be able to talk about it more," ani Shamaine.

Editor's note: 

A group in the Philippines is dedicated to addressing those who have suicidal tendencies.

The crisis hotlines of the Natasha Goulbourn Foundation aim to make these individuals feel that someone is ready to listen to them.

These are their hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:

0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.