Nadine, may payo sa mga nakararanas ng depresyon

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2018 01:02 PM

Pinayuhan ng aktres na si Nadine Lustre ang mga taong nakararanas ng depresyon na humanap ng makakausap at puwedeng karamay sa gitna ng kondisyon.

“For everyone going through depression, find someone who will listen to you when you go through it," sabi ni Lustre sa press conference ng kanilang konsiyerto ni James Reid.

"Kasi iyon lang ... kailangan lang i-share siya sa taong pinagkakatiwalaan mo. Kailangan kasi ilabas nang ilabas ‘yung nararamdaman mo,” aniya.

Ayon kay Lustre, na umamin noong nakaraang taon na siya'y may depresyon, mahalaga ang papel ng mga taong nakikinig sa hinaing ng mga taong nakakaramdam ng labis na kalungkutan.

“Makinig lang po kayo. Kasi hindi niyo alam kung gaano kalaki ‘yung tulong na nagagawa niyo just by listening,” she added.

Kasalukuyang abala si Lustre sa mga paghahanda para sa kanilang konsiyerto ni Reid na idaraos sa Pebrero 9 sa Araneta Coliseum.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.