JaDine, puspusan ang paghahanda para sa 'Revolution' concert

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2018 06:47 PM | Updated as of Jan 09 2018 01:12 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Puspusan ang paghahanda nina James Reid at Nadine Lustre para sa kanilang konsiyertong itatanghal sa Araneta Coliseum sa Pebrero 9.

Sinimulan na ng tambalan ang pag-shoot para sa mga video na ipalalabas sa kanilang konsiyerto.

Ayon kay Reid, tila panonood ng pelikula ang magiging karanasan ng kanilang mga manonood.

"It's gonna be like watching a concert and a film at the same time," sabi ni Reid.

Ayon naman sa concert director na si Paul Basinillo, tutok sina Reid at Lustre sa bawat hakbang ng pagbuo ng kanilang konsiyerto.

Ipinagmalaki rin ni Basinillo ang stage design na aniya'y isang malaking entabladong sapat para magkasya ang lahat ng performers.

Kabilang sa mga inaasahang bibisita sa konsiyerto sina Sarah Geronimo, Vice Ganda, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, at Bret Jackson.

Matatandaang kinompirma ng dalawa ang kanilang relasyon matapos ang kanilang unang major concert na "JaDine in Love" noong 2016.

Ipagdiriwang ng magkasintahan ang kanilang ikalawang anibersaryo sa Pebrero 11.

Nitong Linggo, nag-trend sa social media ang sexy production number ng tambalan sa ASAP.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.