Gladys Reyes at asawa, muling magpapakasal

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2018 01:27 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Muling ikakasal ang aktres na si Gladys Reyes at asawa nitong si Christopher Roxas.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, masayang ipinakita ni Gladys ang imbitasyon sa muli nilang pag-iisang dibdib para sa pagdiriwang ng kanilang ika-25 taon na pagsasama.

"Marami ang nagtatanong, '25 years of marriage na ba kayo?' Hindi naman po, 25 years of togetherness. Kasama na 'yung 11 years kaming mag-boyfriend at siyempre 14 years kami na mag-asawa," paliwanag ni Gladys.

Ani Gladys, ang kanilang renewal of vows ay para na rin sa kanilang mga anak.

"Hindi sa kung ano pa man, pero gusto namin na this time maging bahagi nito 'yung mga anak namin. Like si Juday (Judy Ann Santos), ginawa rin nila, 'yung seventh year nila. 'Yung idea lang na kasama na namin this time 'yung mga anak, kasama 'yung mga taong importante sa buhay namin. Siyempre 'yung mga kamag-anak din at pamilya. At saka milestone, bihirang mangyayari at saka hindi natin alam ang mangyayari sa kinabukasan kaya prayers lang talaga, hindi ba?" ani Gladys.

Matatandaang nagsimula ang pag-iibigan ng mag-asawa noong sila ay magkakilala sa sikat na seryeng "Mara Clara."

Ikinasal ang dalawa noong 2004 at ngayon ay may apat ng mga anak.