Celebrity couples, nagpakilig sa pagpasok ng 2018

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2018 07:48 PM | Updated as of Jan 05 2018 09:24 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sweetness overload at walang katapusang mga mensahe ng pagmamahalan ang status o caption ng celebrity couples na pinusuan at ni-like naman ng netizens sa simula ng 2018. 

Una na rito ang nakakikilig na mensahe ni Enrique Gil para sa kaarawan ng ka-love team na si Liza Soberano. 

Tinawag ni Gil na “my forever” si Soberano, na ngayon ay mayroon ng higit 307,000 likes sa Instagram ng actor.

Sinalubong naman ng matamis na halik nina James Reid at Nadine Lustre ang 2018 na patunay ng matibay pa rin nilang samahan. Magiging busy pa ang 'Jadine' ngayong 2018 para sa isang major concert, teleserye, at pelikula.

"Lovers in Paris" naman sina Maxine Magalona at Rob Manangquil sa kanilang engagement photos. 

"Nagsagutan" din ng mensahe ng pag-ibig sa kanilang social media accounts sina Angel Locsin at Neil Arce. 

Ayon kay Locsin, si Arce ang best part ng kaniyang 2017. Sinagot naman ni Arce na mas gagalingan niya para sa kanilang "forever."

Una nang sinabi ni Locsin na label na lang ang kulang sa kanila ni Arce.

Sparklers galore naman ang pagmamahalan nina Arci Muñoz at boyfriend na si Anthony Ng.

"I found my bliss my love and my friend" ang matamis na naging status ni Muñoz. 

Pinanggigigilan naman ng fans ang relasyong John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na mula noong una ay naging mailap sa mata ng media.

Malakas man ang usap-usapan ngayon na nagdadalantao na si Adarna, wala pa ring nagsasalita sa magkabilang kampo.

Sa nakaraang holiday season, kasama na si Cruz sa family picture ng mga Adarna.

Nag-status update din si John Lloyd na hindi siya nasira ng nagdaang taong 2017.

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.