PANOORIN: ToMiho, nakisali sa 'Di ba Teh at Kuya'

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2017 11:43 AM

MANILA -- Masayang nakisali ang tambalan nila Miho Nishida at Tommy Esguerra nitong Huwebes sa "Di Ba Teh At Kuya" segment ng "Umagang Kay Ganda."

Sa isyu kung puso o isip ba ang dapat sundin sa pag-ibig, iginiit ni Miho na puso ang dapat masunod dahil hindi ito marunong magsinungaling.

"Kahit ano pa ang ugali nung lalaki ay mamahalin mo pa din kasi kapag puso ang nagmahal ay totoo," paliwanag ni Miho.

"Lahat ng relasyon nagsisimulang maramdaman gamit ang puso. Pero in a real relationship only time will tell, because there's going to be problems you're going to face. If you don't use your mind to get all of these, how do you overcome obstacles? It's always the brain at the end of the day ," giit naman ni Esguerra sa mga katunggali.

Maliban sa sitcom na "Funny Ka, Pare Ko," ay kasali ang dalawa sa pelikulang "Foolish Love" kasama sila Angeline Quinto at Jake Cuenca.

Kasama din ang tambalan sa serye na "Langit Lupa."

Umagang Kay Ganda, January 5, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.