Miho, ibinahagi ang reaksiyon ng anak sa kanyang pagpapaayos

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 11:40 AM | Updated as of Jan 03 2018 04:30 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- "Hindi na tayo parehas ng ilong." 

Ito ang naging reaksiyon ng anak ni Miho Nishida sa desisyon ng dating "Pinoy Big Brother" housemate sumailalim sa cosmetic surgery.

"Sabi niya sa akin, hindi na tayo magkamukha. Hindi na tayo parehas ng ilong," ani Miho sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles.
 
Matatandaang naging usap-usapan ang pagbabago sa mukha ni Miho sa social media bago matapos ang taong 2017.

Iginiit ni Miho na ang pagpapaayos ay para mas tumatag ang kanyang tiwala sa sarili.

"Siyempre nakikita mo sa sarili mo na maganda ka, doon tayo nagsisimula sa araw-araw, nakikita natin ang itsura natin. So ito na 'yon, doon ako kumukuha ng lakas ng loob," ani Miho.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.