Kylie Verzosa, tutok sa pag-arte ngayong 2018

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2018 12:57 PM

MANILA -- Nais ng beauty queen na si Kylie Verzosa na pagtuunan ng pansin ang pag-arte ngayong 2018.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, sinabi ni Kylie na matapos niyang magampananan ang mga responsibilidad bilang Miss International 2016, panahon na para gawin ang nais niya.

"Parang pinokus ko 'yung trabaho ko sa pagiging Miss International, 'yung pagbi-build ng brand nila. Kaya this year gusto ko po sana na ako naman 'yung i-focus ko," ani Kylie.

Ayon kay Kylie, nais niyang sumabak sa mga acting workshop.

"'Yun ang gusto ko. Kaya lang po siyempre hindi po natin maiwasan na makita ng mga tao 'yung pag-grow mo, pag-evolve mo. Siguro yun po 'yung isa sa kinakatakutan," ani Kylie na parte ng pelikulang "Ang Panday" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ani Kylie, labis ang kanyang pasasalamat sa pagkakataon na maging bahagi ng nasabing pelikula.

"Super saya ko po and super thankful po na part ako ng movie especially nandoon sina Coco Martin, Mariel (de Leon) at Jake Cuenca," ani Kylie na inaming limang minuto lang ang naging workshop para sa kanyang karakter bilang isang diwata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.