LISTAHAN: Concert nina John Legend, Ed Sheeran, iba pa ngayong 2018

ABS-CBN News

Posted at Jan 02 2018 06:43 PM | Updated as of Jan 02 2018 09:14 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tiyak na mapagagastos ang mga mahilig sa musika at mga tagahanga ng mga A-list singer sa mga nakapilang concert na idaraos sa bansa ngayong 2018.

Unang hahataw ngayong taon ang mga pop at rock bands gaya ng Foster the People, Paramore, at Incubus.

Para sa mahilig sa throwback, mga patok na kanta noong dekada '90 ang hatid ng "Playback Music Festival" kasama sina Leigh Nash, boy band na Blue, Vertical Horizon, at iba pa.

Marso naman babalik sa bansa ang grupong Fifth Harmony at Grammy award-winning singer na si John Legend.

Sa Abril naman darating ang pop singer na si Katy Perry, na una nang pinuno ang Philippine Arena noong 2015.

Matutuloy na rin sa wakas ang "Divide" tour ni Ed Sheeran sa bansa matapos makansela noong Oktubre dahil sa tinamo nitong bali sa braso.

Narito ang buong listahan ng foreign acts na bibisita sa bansa:

  • Enero 21 - Nothing But Thieves (KIA Theater)
  • Enero 26 - Foster the People (KIA Theater)
  • Pebrero 7 - The XX (World Trade Center)
  • Pebrero 10 - Playback Music Festival (Circuit Makati)
  • Pebrero 17 - Incubus (World Trade Center)
  • Pebrero 18 - Paramore (Mall of Asia Arena)
  • Marso 6 - Fifth Harmony (KIA Theater)
  • Marso 21 - John Legend (Araneta Coliseum)
  • Abril 2 - Katy Perry (Mall of Asia Arena)
  • Abril 5 - LANY (Araneta Coliseum)
  • Abril 13 - Zedd (Araneta Coliseum)
  • Abril 14 - The Script (Mall of Asia Arena)
  • May 1 - Harry Styles (Mall of Asia Arena)
  • June 10 - Niall Horan

Hindi naman nagpahuli ang mga lokal na artista gaya ng tambalang "Jadine" nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang "Revolution" concert.

  • Pebrero 9 - Jadine (Araneta Coliseum)
  • Pebrero 20 - Morissette Amon (Araneta Coliseum)
  • Pebrero 14 - Aiza Seguerra and the Company (Music Museum)
  • Pebrero 14 - Timeless OPM with Rico J. Puno and Rey Valera (Resorts World Manila)
  • Pebrero 15 - Basil Valdez (Music Museum)

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.