PANOORIN: Mga artista, nakisaya sa New Year's countdown

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 08:33 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mistulang konsiyerto ang paraan ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Eastwood City sa Quezon City noong Linggo ng gabi.

Pinangunahan ni KZ Tandingan ang kantahan.

Hindi naman nabigo ang mga manonood sa pagtatanghal ng magkasintahang Sam Concepcion at Kiana Valenciano.

Rakrakan ang hatid ng bandang Spongecola.

Tampok rin ang X-Factor contestant na si Alisah Bonaobra, rapper na si Gloc-9, at Cebuana singer na si Karencitta.

Huling nagtanghal si Morisette Amon, na siya ring sumalubong sa 2018.

"First time kong maging part ng New Year's Eve concert so very happy," ani Tandingan.

"This is my first solo countdown show na wala 'yong Daddy ko," pahayag naman ni Valenciano.

"To be able to do it this year as in 'yong mismong midnight, pressure pero siyempre we're all just here to have fun," ani Amon.

Pagdating ng hatinggabi, bumaba ang star drop at sinabayan ng isang magarbong fireworks display.

Masaya ang pamunuan ng Eastwood City sa pagtanggap ng publiko sa kanilang party, lalo pa't isang dekada na ang tradisyong ito.

"Nakikita namin ng mga pictures na ina-upload nila sa Facebook, na parte na ng buhay nila ang pag-celebrate sa Eastwood [ng kanilang New Year's Eve]," ani Tinay Magtira, creative solutions director ng Megaworld Lifestyle Malls.

Samantala, "Experience the Fantasy" naman ang tema ng salubong sa Resorts World Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

World class entertainment ang ipinamalas nina Arnel Pineda, Lani Misalucha, Darren Espanto, Jon Santos, at Sam Mangubat sa kanilang mga pagtatanghal.

Dagdag pa rito ang Resorts World Manila International Acrobats and Dancers at bandang Juan Miguel Salvador and the Authority.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.