Krusada: Malampaya Gas Project

ABS-CBN News

Posted at Oct 23 2012 03:00 PM | Updated as of Oct 24 2012 01:09 AM

Ang Malampaya Gas ay isang proyekto sa pagitan ng pamahalaan at ng dalawang malalaking kumpanya ng langis na kumukuha ng natural gas mula sa Palawan. Ayon sa pag-aaral ng Kongreso, umabot na sa $8.9 bilyon ang kabuuang kita nito mula nang magsimula ito noong 2002.

Kung tutuusin, malaki ang pakinabang ng mga Palaweño sa proyektong ito. Sa ilalim ng isang interim agreement sa gitna ng pamahalaang pambansa at ng lokal na pamahalaan ng Palawan, nasa P520 milyon na ang parte ng pangalawang distrito ng Palawan hanggang 2008.

Ang nasabing pera ay inilaan naman upang makapagpagawa ng mga tulay, paaralan, at makapagpaayos ng mga kalsada.

Ngunit tulad din ng ibang malalaking proyekto, nangangamoy anomalya din daw ang Malampaya project. Kaya naman personal na pinuntahan ni Henry Omaga-Diaz ang Malampaya upang imbestigahan ang mga bintang ng katiwalian dito.

Nauna nang nasilip ng Commission on Audit (COA) ang bahagi ng kitang napunta sa provincial government at first congressional district na nagkakahalagang P1.782 bilyon noong 2010.

Sa isang exclusive interview, isisiwalat naman ni Bishop Pedro Arigo ang mga sinasabing iregularidad at anomalyang bumabalot mula pa lang sa bidding hanggang sa implementasyon ng proyekto ng pangalawang distrito na nagkakahalagang P520 milyon.

Sino ang tunay na nakinabang sa Malampaya Gas Project—ang mga mamamayan o mga makapangyarihang opisyal sa likod nito?

Alamin ang mga kasagutan sa Krusada: “Malampaya Gas Project”, ulat ni Henry Omaga-Diaz sa ika-25 ng Oktubre, 9:15 ng gabi sa DZMM TeleRadyo (Sky Cable Channel 26) at pagkatapos ng Bandila sa Channel 2. Mapapanood naman ang replay nito sa Setyembre 27 (Sabado), 1:30 ng hapon sa ANC.

Madali ninyong maibabahagi ng inyong mga opinion sa aming Facebook at Twitter accounts! Magpunta lamang sa http://facebook.com/Krusada at http://twitter.com/krusadaTV.

Ipinapalabas ang inyong mga kumento sa telebisyon tuwing Krusada sa DZMM Teleradyo.

Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes ng Krusada, bisitahin lamang ang aming official website: http://abs-cbnnews.com/krusada.

Air date: October 25, 2012