Krusada: Anti-flood houses

By Nathalie Blanco, Multimedia Producer, Krusada

Posted at Aug 28 2012 02:45 PM | Updated as of Sep 05 2012 08:21 AM

Sa paghagupit ng ulang dala ng hanging habagat, muling naranasan ng Metro Manila at mga karatig probinsiya ang tindi at lawak ng problema ng bansa sa pagbaha.

Halos lumubog ang buong Kamaynilaan at ilan pang karatig probinsiya sa tatlong araw na walang humpay na ulan.

Sa ganitong mga panahon, kapag bumabaha na sa ating mga lansangan, nagiging takbuhan natin ang ating mga bahay. Pero para kay Julius Babao, tila wala pa rin ang mga itong binibigay na kasiguraduhan pagdating sa ating kaligtasan.

“Tulad ng nakita natin nung kasagsagan ng bangis ni Habagat, maraming mga bahay ang pinasok rin ng baha. Maraming patong-patong na dahilan kung bakit natin ito dinanas: climate change, hindi maayos na urban planning at kawalan ng epektibong flood control measures, problema sa basura, illegal logging, at iba pa.”

Dahil nga sa palagian ng banta ng pagbaha, sinasabing ang nakagawiang disenyo ng ating mga bahay ang dapat nang i-adjust o baguhin, ayon sa mga eksperto.

“House on stilts” o mga bahay na nakataas ang nakikita nilang solusyon.

Maging ang sumisikat na batang arkitekto na si Jason Buensalido ay pabor sa stratehiyang ito.

Architects Jason and Nikki Buensalido with Julius Babao. Photo courtesy of Buensalido Architects (@buensalidoarch)

“In 2007, we won a competition called ‘Pinakamagandang Bahay sa Balat ng Lupa’--the name is funny but it’s very catchy. We won that, and the idea is to lift the entire house on stilts.”

Bago na luma ang pagkakaroon ng bahay na nakataas mula sa lupa. Maihahalintulad pa ang disenyo nito sa “Pambansang Bahay” ng Pilipinas—ang bahay kubo.

Panahon na nga ba upang isunod sa nirerekomendang disenyo ang ating mga tahanan? Magkano kaya ang aabutin ng gastos nito? Gaano ito ka-praktikal para sa ating mga Pilipino?

Masasagot ang lahat ng inyong mga katanungan sa ika-30 ng Agosto, 9:15 ng gabi sa DZMM TeleRadyo (Sky Cable Channel 26) at pagkatapos ng Bandila sa Channel 2. Mapapanood naman ang replay nito sa Setyembre 1 (Sabado), 1:30 ng hapon sa ANC.

Madali ninyong maibabahagi ang inyong mga opinyon sa aming Facebook at Twitter accounts. Magpunta lamang sa http://facebook.com/Krusada at http://twitter.com/krusadaTV. Ipinapalabas ang inyong mga kumento sa telebisyon tuwing Krusada sa DZMM Teleradyo.

Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes ng Krusada, bisitahin lamang ang aming official website: http://abs-cbnnews.com/krusada.

Air date: August 30, 2012