New BMPM campaign song renews call for change

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2012 06:56 PM | Updated as of Aug 24 2012 03:09 AM

Tayo na ang magsasanib-puwersa - ito ang mensahe ng Bayan Mo, iPatrol Mo: Tayo Na para sa mga Pilipino, na humihikayat sa ating magsama-sama upang bantayan ang pagbabago sa Halalan 2013.

Ang "Tayo Na", na inawit nina Raimund Marasigan, Yeng Constantino at Pochoy Labog, ay naglalayong ipaliwanag sa bawat tagapakinig na ang pagbabago ay nasa kamay ng kahit sinumang handang isiwalat ang katotohanan at mga pangyayari sa kanilang mga komunidad.