Ilegal na dumpsite sa Laguna, aaksyunan sa 'Failon Ngayon'

ABS-CBN News

Posted at Jul 23 2010 12:20 PM | Updated as of Jul 26 2010 08:29 PM

Isang ilegal na dumpsite sa Cabuyao, Laguna na pag-aari ng isang konsehal ng bayan, inireklamo dahil sa perwisyong dulot ng matinding polusyon.

Eksklusibong nakuhanan ng video ang "Failon Ngayon" ang aktuwal na pagsusunog at pagtatapon ng truck ng basura sa 10 ektaryang dumpsite, na pumerwisyo sa tinatayang mahigit 8,000 residente ng Brgy. Niugan at Southville.

Nagtungo rin si Ted Failon kasama si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje sa nasabing lugar upang aksyunan ang problema ng mga taga-Cabuyao.

Huwag palampasin ang lahat ng iyan ngayong Sabado (July 24) sa "Failon Ngayon" sa ABS-CBN.