Ako ang Simula: Happy Computer Project, isang pagbabago para sa edukasyon

By: Nadine Leoncio, Multimedia Producer, Ako ang Simula

Posted at May 31 2012 04:41 PM | Updated as of Jun 02 2012 12:07 AM

May Computer subject pero walang computer unit. Ganito ang sitwasyon sa mga pampublikong paaralan na mistulang napag-iwanan na ng panahon. Kaya ang paggamit ng computer ay nananatiling isang pangarap para sa mga estudyanteng nagsisikap mag-aral.

Sa mahigit 230 estudyante ng San Juan Elementary School sa San Antonio, Zambales kalahati palang ang nakagamit na ng computer.  Kahit may computer class ang grade 5 at 6, wala namang magamit kahit isang unit. Ang problemang ito ay hindi rin mabigyang solusyon ng mga guro dahil kahit sa mismong faculty room ay walang computer.

Ayon sa isang computer teacher, mahirap magturo kung wala naman silang sariling computer. Umaasa lang ang mga estudyante sa picture ng computer na nakadikit sa board. At ang kanilang ginagamit pang-practice magtype ay keyboard na gawa lang sa cardboard.  Nalulungkot din sila dahil ang mga bata sa Maynila ay bihasang-bihasa na sa paggamit ng computer.                  

Isa lang ang San Juan Elementary School sa mahigit labingsiyam na libong paaralag elementarya sa Pilipinas na wala ni isang computer. Kasalakuyan itong ginagawan ng paraan ng Department of Education. Kaya lang sa ngayon, limampung porsyento pa lang ng elementary schools sa Pilipinas ang nabibigyan ng DEPED ng computer sa ilalim ng kanilang Computerization Program.

Malaki ang maitutulong ng computer sa pagpapalawak ng kanilang edukasyon. Kaya sa darating na pasukan, isang pagbabago ang sisimulan!

Sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education, ililunsad ng Ako ang Simula ang proyektong “Happy Computer”.  Kahit sino ay maaaring maki-isa sa bayanihan para sa edukasyon.  Mag-donate lang ng bago o second hand na computer unit.

Ang mga computer ay ibabahagi sa mga nangangailangan na paaralan. Kung ang mga estudyante ay nangangarap na makahawak ng computer, ang proyektong ito ay nangangarap na mabigyan ng sapat na computer units ang mga eskwelahan gaya ng San Juan Elementary School.

Simulan na natin ang pagbabago!

HELP US HELP SAN JUAN ELEMENTARY SCHOOL
Be part of the Happy Computer project.
Donate new or old but properly working computers for our beneficary schools.
Log on to http://www.facebook.com/aasTV
Or call 9244101 loc. 5480