ABS-CBN News

Patrol ng Pilipino: Kamay na Mapaghilom

Posted at | Updated as of 03/31/12 9:08 PM

Nalalapit na ang Kuwaresma, ang panahon ng pagninilay-nilay sa kaganapan ng ating mga buhay. Sa mabilis na takbo ng mundo kadalasan naisasantabi ang pangangailangang ispiritual ng bawat indibidwal. Kaya’t ngayon, ang mga gutom na mga kaluluwa ang ating aagapan, ang panahon kung kailan ang lahat ng koneksyon sa mundong puno ng materyal na bagay at ambisyon ay mapuputol para bigyang daan ang koneksyong pang-ispirituwal.

Ayon kay Fr. Cueto, kura paroko ng Baclaran Church, araw-araw ay dinadagsa sila ng mga tao at nakatatanggap sila ng libu- libong sulat na humihingi ng taimtim na panalangin para maitawid ang bawat pagsubok, malunasan ang karamdaman at masilayan ang liwanag sa kawalan ng pag- asa. Pero kadalasan, narito ang mga humihiling dahil sa kawalan ng pag-asa at ito na ang kanilang huling pagkakataon.

Umaayon naman dito sina Padre Efren ‘Fr. Momoy’ Borromeo ng Society of Our Lady of the Trinity (SOLT) at Padre Faller ng Kamay ni Hesus Healing Church. Ang mga tao ay laging maraming inaasikaso at maraming iniisip kaya naman laging huling tinatakbuhan ang simbahan para sa kagalingan at kaginhawahan. Pero ayon kay Padre Momoy hindi dapat ganito ang pananaw ng mga tao ang kagalingan na iba’t ibang klase ay posible kung isasabuhay natin ang ating pananampalataya. 

“He's always present among us, and yet we could not recognize Him because we don't have this master-disciple relationship` with Him that's why the Lord always wants everybody to be healed but sometimes we miss it kasi nagkukulang tayo sa pananampalataya, kasi we don't develop a  master-disciple relationship.”

Ngayon Martes samahan sina Apples Jalandoni at Pia Gutierrez sa kanilang pagbisita sa mga instrumento ng Diyos dito sa lupa; sina Fr. Faller at Fr. Momoy, mga paring pinagsasama ang pananampalataya at siyensya para sa kagalingan ng mga maysakit tulad ng kanser, alzheimers, hiatus hernia, tumor at iba pang malalalang sakit.

Tunghayan ang kanilang mapaghimalang mga kamay at ang mala-MRI na mga mata ni Fr. Momoy sa Patrol ng Pilipino Martes ng gabi pagkatapos ng Bandila at sa DZMM Teleradyo 9:15pm. Sama-sama nating pakinggan ang kwento ng mga nabago ang buhay mula sa kanilang mga mapaghilom na mga kamay, sana kayo din.