'Hardcore na hardcore' kung mag-Patrol

by Ivy Jean Vibar, ABS-CBNnews.com

Posted at Mar 05 2012 07:09 PM | Updated as of Mar 06 2012 08:32 AM

Pia Hontiveros
MANILA, Philippines - “Hardcore kung hardcore,” sabi ng isang Facebook user sa litrato ni Pia Hontiveros na nakatali sa poste para maihatid ang balita noong 1995, sa kasagsagan ng bagyong Rosing.

Kumakalat ngayon sa Facebook at Twitter ang screen captures ng mga pinakatanyag na broadcast ng TV Patrol mula ng una itong maipalabas noong Marso 2, 1987.

Sa oras ng pagkakasulat ng artikulong ito, ang litrato ni Hontiveros ay nagkaroon na ng 834 likes at 84 shares mula sa Facebook page ng TV Patrol.

“Ang galing, kahit hinahampas na ng malakas na hangin at my kasamang ulan, tuloy pa rin ang paghahatid ng balita. God bless at binabati ko kayo sa ika-25 taon ng TV....... PATROL!” comment ni Perla Hersey, kasalukuyang nakatira sa Saudi Arabia, sa litrato.

“Maybe the cameraman was also tied to a tree,” ani Cris Laranjo.

“You don’t need to die just to help people and be a hero! Kudos mediamen,” sabi naman ni PINOY TAYO SANMAN.

“Brave talaga ni Pia at lahat ng mga reporter ng TV Patrol…ang gagaling niyo!” comment ni Chery Imperial.

Ikaw, ano ang pinakanatatandaan mong TV Patrol moment? Magpost sa Facebook page ng TV Patrol, o kaya’y mag-Tweet sa @TVPatrol gamit ang hashtag na #TVPatrol25