Batchoy na may buko, patok sa isang kainan sa Legazpi

ABS-CBN News

Posted at Nov 13 2017 06:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dinarayo sa isang kainan sa Legazpi City ang specialty nitong batchoy na may sangkap na laman ng buko.

Bukod sa may sangkap na buko, inihahain din ang batchoy sa bao ng buko.

Ipinasilip pa ng may-ari ng karihan kung paano inihahanda ang batchoy with a twist. 

Unang inilalagay ang lutong noodles sa bao.

Sunod na lalahukan ito ng iba pang pampalasang sangkap.

Saka ilalagay ang sinasabing nagpapasarap sa batchoy na laman ng buko.

Sabay ibubuhos ang mainit na sabaw ng batchoy.

Depende sa sahog at laki, naglalaro sa P65 hanggang P95 ang presyo ng buko batchoy.

Sa kada order ng buko batchoy, may libreng buko juice na rin ang kostumer.

Isang buwan mula nang ipatikim ang buko batchoy, dinarayo na raw ito ng mga taga-Legazpi.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.