Wow! Traysikel, may karaoke't telebisyon

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2017 07:02 PM

Hindi na maiinip sa biyahe ang mga pasaherong sakay ni Jessie Galvan sa kaniyang traysikel dahil sa telebisyon at videoke na nakakabit sa loob ng sidecar.

Ayon kay Galvan, naisip niyang maglagay ng telebisyon sa sidecar para sa mga estudyanteng hinahatid at sinusundo niya sa pribadong paaralan.

Sasalubong sa mga pasahero ng 51 anyos ang 12-inch flat screen na may kumpletong audio set-up.

Nasa P25,000 ang kabuuang gastos, na nagmula pa sa pondong naipundar ni Galvan sa 17 taon na pamamasada.

Tuwing nasa pila ng toda, nawiwili rin ang mga kasamahang drayber na umawit sa videoke.

Tiniyak ni Galvan na walang patong sa pasahe ang paggamit sa telebisyon.

--Ulat ni Lady Stephanie Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.