Mga nitsong hugis helicopter, sapatos sa Kalinga, patok

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Posted at Nov 03 2017 09:14 AM | Updated as of Nov 03 2017 09:34 AM

TABUK, Kalinga - Agaw-pansin ang kakaibang disenyo ng mga puntod sa isang sementeryong sa Baranggay Nambaran.

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Marianne Claire Reyes, ABS-CBN News

Ilan sa mga kakaibang puntod dito ay hugis gitara, ibon, van at helicopter.

Ayon kay Victor Edduba, kapitan ng barangay, nagsimula ang pagdidisenyo sa mga nitso noong 2002.

"Nagsimulang disenyuhan ang puntod ng yumaong miyembro ng NPA na namatay sa engkwentro. Makikita mo sa disenyo ang simbolo ng NPA," ani Edduba.

Ayon sa ilang kamag-anak na nagpasadya ng mga puntod, bawat disenyo ay may kinalaman sa taong nakalibing.

"'Yung tiyuhin ko, hilig niyang uminom. Nag-inom siya ng isang gabi, tapos dinala sa hospital, tapos yun na, namatay na sa ospital," ani Ramirez Magilao, isa sa mga residenteng dumadalaw nitsong hugis alak.

Ang sapatos naman na hugis nitso ay libingan ng isang babae na nangakong bibilhan ng sapatos ang isang pamangkin.

"Nung namatay 'yung lola namin, 'di niya natupad yung pangako niyang sapatos sa pamangkin niya. 'Yung mga anak niya tinuloy 'yung hiling niya, ang ginawa nila, sapatos," ani Dan Agyao, apo ng yumaong nakalibing sa nitsong hugis sapatos.

Inihiling naman ng isang magulang na gawing helicopter ang kanyang puntod dahil ito raw ang maghatid sa kanya patungong kabilang buhay.

Aabot na sa 30 ang mga puntod na may disenyo sa pampublikong sementeryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.