PANOORIN: Manok, nagpa-paddleboard

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2017 12:23 PM

Isa sa mga popular na libangan sa Florida Keys sa Estados Unidos ang larong paddleboarding.

Tampok sa paddleboarding ang pagsagwan sa malawak na katubigan habang nakadapa, nakaluhod o nakatayo sa isang surfboard.

Kabilang sa mga nakikiuso ang isang taong gulang na Rhode Island Red na manok na si Loretta.

Kalmado at napapanatili ni Loretta ang kaniyang balanse habang sakay ng surfboard kasama ang kaniyang among si Karly Venezia.

Ayon kay Venezia, natural lang ang pagpapasama niya kay Loretta sa kaniyang mga gawain, gaya ng paddleboarding at pamamangka.

Karaniwan kasi umano ang mga pagala-galang manok sa kanilang lugar.

Dagdag ni Venezia, paborito nilang mag-paddleboard ni Loretta tuwing dapithapon.

Masaya umano si Venezia na isinasama ang alaga para sabay nilang masaksihan ang magandang tanawin ng katubigan ng Florida Keys habang palubog ng araw.

-- Isinalin mula sa ulat ng Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.