TINGNAN: Sawa, na-rescue sa Davao City

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Oct 12 2017 05:51 AM | Updated as of Oct 12 2017 07:53 AM

Mga larawan mula kay Berchan Angchay

DAVAO CITY - Isang malaking sawa ang bumulabog sa Purok 4, Communal, Buhangin, Davao City madaling araw ng Miyerkules.

Inakyat ng Central 911 Urban Search and Rescue Team ang puno kung saan nanatili ang ahas.

Dahil nagpupumilit ang sawa umakyat pa-itaas, pinutol ng rescue team ang sanga ng puno para makuha ito.

Ayon kay Lito Onggau, nakita niya ang ahas pasado alas-2 nang marinig niya na tumilaok ang mga manok.

"Akala ko merong kawatan na pumuslit ng manok ko pero ng tiningnan ko, nakapilipit na ang ahas sa isa kung manok," ani ni Onggau.

Plano ng rescue team na i-turnover ang sawa na may bigat na 12 kilos sa Davao Crocodile Park.

Isang 10-talampakang sawa ang na-rescue din sa Rolling Hills, Bacaca, Davao City noong Oktubre 4.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.