Unggoy na 'Matobato', agaw-eksena sa Ilocos Norte

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2016 10:37 PM

Dianne Dy, ABS-CBN News

ILOCOS NORTE – Sa Barangay Bacsil North, Laoag, agaw-atensyon ang isang unggoy na pinangalanan ng mga may-ari nito na "Matobato."

Parang anak umano ang turing ng pamilya Calsada sa unggoy, na mahilig magpabuhat at magpahele tuwing pinapainom nila ito ng katas ng prutas mula sa bote. 

Nakikinood din umano ang unggoy ng telebisyon.

"Maraming nagkakagusto sa kanya kasi maamo, minsan nga katabi naming matulog," ani Janine Garcia, isa sa mga nag-aalaga kay Matobato.

Dalawang linggo ang nakaraan nang bigla na lang pumunta ang unggoy sa bahay nila. Dahil mabait ito ay nagdesisyon umano silang kupkupin na lang ito.

Ayon kay Garcia, pinangalanan nilang Matobato ang unggoy, dahil sabi ng anak niya na kamukha nito si Edgar Matobato.

Si Edgar Matobato ay isa sa sa mga tumestigo sa pagdinig sa Senado ukol sa mga umanong pagpatay na isinagawa ng Davao Death Squad.