TINGNAN: 10-talampakang sawa, na-rescue sa Davao City

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Oct 05 2017 05:57 PM

DAVAO CITY – Isang malaking sawa ang bumulabog sa Rolling Hills, Bacaca, Davao City madaling araw ng Huwebes.

Base sa salaysay ng mga nakakita, tumawid ang sawa sa kalsada papunta sa halamanan kung saan ito nagtago.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating ang Central 911 Urban Search and Rescue Unit pero nahirapang hugutin ang sawa na pumulupot sa mga sanga ng halaman at nagpapalit-palit ng puwesto.

Matapos ang matagumpay na pag-rescue sa sawa na may sukat na 10 talampakan, ito ay pansamantalang dinala muna ito sa Central 911.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.