TINGNAN: Biik na walang paa sa likod

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Aug 26 2016 10:51 PM

ILOCOS NORTE - Pinagkakaguluhan ngayon ang isang biik sa Barangay 21 Libtong Bacarra, Ilocos Norte.

Ipinangannak kasi itong walang paa sa likod.

Bilib ang mga residente dahil kaya nitong mag-lakad gamit lamang ang kanyang paa sa harapan.

Ayon sa may-ari na si Claudio Aceret, bunso ito sa sampung biik na ipinanganak.

Aniya, malakas at malusog ito gaya ng iba pang biik.

Wala naman plano si Aceret na ibenta ang biik dahil sa tingin niya, magbibigay ito ng swerte sa kanya.