TINGNAN: Batang baka, ‘kamukha’ ng isang rakista

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2017 07:46 PM

Kinagigiliwan ngayon sa Texas, U.S.A. ang isang batang baka o calf na kamukha raw ng isang rakista.

Inihalintulad ang mga marka sa mukha ng calf na si Genie sa face paint ng KISS frontman na si Gene Simmons. Courtesy: Hill Country Visitor

Hindi kasi nalalayo ang mga marka sa mukha ng calf na si ‘Genie’ sa face paint ni Gene Simmons a.k.a ‘The Devil’ sa tuwing nagtatanghal ang kaniyang rock band na KISS.

Maging ang rakista, nag-tweet pa tungkol sa pagiging mag-‘kalokalike’ nila ng batang baka.

Gaya ng signature rakista move ni Simmons, mahilig din daw si Genie na maglabas ng dila.

Dumarami na rin ang fans ni Genie mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Isinilang si Genie nito lang Hulyo 28.

-- Ulat mula sa Reuters

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.