PANOORIN: 'Cyclops' na kambing, ipinanganak sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 03:36 AM


Video courtesy of Leslieh Ramiscal

ILOCOS NORTE - Usap-usapan ngayon ang isang kambing sa Barangay 31 Calioet Libong, Bacarra, Ilocos Norte.

Ipinangak kasi itong iisa ang mata.

"Kaninang pinuntahan ko nakita ko na tumatakbo-takbo ang kapatid niya pero itong isa hindi makatayo, nang nilapitan ko nagulat ako dahil iisa ang mata," ani Ferdinand Ramiscal. 

Isinilang ang kakaibang lalaking kambing Lunes.

"Malakas kanina, pinadede namin sa ina pero hirap siyang dumede. Thirty years na akong nag-aalaga ng kambing pero ngayon lang ako nakakita ng ganito," ani Ramiscal

Anim na oras lang ang itinagal ng bagong silang na kambing bago ito namatay.

Ayon sa isang veterinarian, hindi na-fully develop ang kambing nang ipinagbubuntis ng ina kaya nagkaroon ito ng abnormalidad.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.